Wednesday, April 17, 2013

Naic, Cavite (Munting Mapino)


Isang bayan sa Naic, Cavite na tinatawag nilang Munting Mapino ang lugar na ito. Dalawang oras mula sa Baclaran. Sa halagang P50 lang makakarating ka na dito. Tahimik na lugar sariwang hangin, mababait ang mga tao. Una akong nakapunta dito kasama ang mga kaibigan ko, napagtripan lang. Sobrang ganda ng sikat ng araw dito. Baliktad nga lang ayos ng alon. Sa umaga "High tide" sa hapon saka naman "Low tide" at dahil nasa parte ito ng Cavite marami ditong source ng mga yaman dagat. Kaya kung mahilig ka sa sea food ito ang lugar para sa'yo.


Dito ka lang din makakakita ng Halo-Halo na halagang 10 piso pero sobrang dami ng sahog yan ang tindahan ni Aling Lita. Panalo ang lasa sakto sa init ng araw pag summer. Ibang iba sa Manila na mura na ang na P15 na pagkain pero di mo na nakita ang sahog (di ko lang sure kung meron pa nga bang mas mura pa dun) pero ito na ang isa sa pinaka masaya kong summer kasama ang mga bago kong kaibigan.

No comments:

Post a Comment