Home of Kapeng Barako, island of beaches yan ang BATANGAS! Dito sa Nasugbo, Batangas kilalang kilala ang mga Beach nila dahil na rin sa fully developed na areas ng mga dlampasigan. Isa na dito ang Munting Buhangin na kung saan makakakita ka ng Mala-Puerto Galera ng di ka kailangan sumakay pa ng Bangka para lang makapunta sa isa na yun sa Mindoro. Sa lugar na'to makikita mo ang pinong puting buhangin at mga cottage sa ibabaw ng puno, oo... Tree house nga ang peg ng resort na ito. plus night party on the beach.
sa di kalayuan pwede mong puntahan ang tinatawag nilang "Twin Island" na kung saan pwedeng mag sleep over sa mumunting isla sa gitna ng dagat at pwede mag camping. Sa ganda ng lugar at linaw ng tubig di mo aakalaing parte parin yun ng Pilipinas. Madami daming taong pumupunta ngunit di ito na pupuno kaya di mo masasabing crowded ang islang ito pwera nalang pag nandun ka sa mismong resort. (Ang pangit namang tignan ng night party on the beach ng walang tao diba?)
Makikita sa larawan palang na sa lapit ng Batangas sa Maynila ay may umuusbong na lugar tulad nito. Malapit din ito sa Pico de Loro at Punta Fuego na kilalang mga exclusive resort. Eh ano bang pinagkaiba nila , samantalang iisang dagat din naman ang pinuntahan mo. hehehehehe in short di mo kailangang gumastos ng malaki para lang makapunta sa gantong kagandang lugar. Panalo ka Batangas!
No comments:
Post a Comment