Saan mo balak pumunta? Ito ay isang blog para sa mga naghahanap nang pwedeng mapuntahan sa oras na naiinip na kayo sa loob ng bahay. Lugar na pwedeng puntahan ng mga walang budget pero gusto mag enjoy. Tara at silipin natin saan nga ba gumagala ang isang sopistang tulad ni Denz
Wednesday, April 17, 2013
Mt.Siniloan / Batya-Batya Falls (Laguna)
Laguna... isa sa pinakamalapit na probinsya sa Maynila, Mountain Trekking ba ang peg nyo? Ito ang bundok na kayang kaya ng kahit sino pagod man ang katawan pero panalong panalo ang experience. Sa dami mong madadaanan at makikita di mo mapapansing pagod kana pala. Kelangan mo nga lang mag dala ng madaming tubig dahil medyo mahal ang bilihin sa mga "BuTin" o yung Bundok-Tindahan sa bawat post na madadaanan mo. dala ka narin ng power food like chocolate at source of power like Saging. Ang masaya dito lahat ng umaakyat at bumababa dito babatiin ka kahit di kayo mag kakilala. Sabi kasi nila tradisyon na daw yun dito kasi di daw nila alam kung tao pa nga ba yung nakakasalubong nila o engkanto... pero syempre paniniwala nalang yun. Masaya rin namang bumati sa mga taong nakakasalubong kasi nakakabawas din ng pagod ang mga ngiti ng mga taong nakakasalubong mo.
Batya-batya Falls isa to sa pitong falls dito sa Siniloan. Sa itsura nitong 3 batya (Palanggana) pinagpatong patong at sarap maligo at magbabad na rin sa mala yelong tubig nito, saktong sakto sa pagod mong katawan pag tapos umakyat ng bundok medyo malayo at matarik na lugar ang tatahakin pero sulit ang pag punta dito. Underwater Camera solve na solve dito!!! lahat na nang anggulo picture-an kung gusto mo. At ito ang lugar ng Siniloan na di ka makakapunta hanggang di ka nababasa dahil dadaan aka sa ilog na lagpas tao at walang tulay. Oo, WALANG TULAY in short mag si-swimming ka papaunta sa kabilang side ng bundok para lang maabot mo ang Falls na to.
Siniloan Falls ang talon na dinadayo kapag mahal na araw ng mga deboto. sa taas nitong more than 10 storey building di mo gugustuhing tumalon mula sa taas. Bago ka pa makarating dito sa talon na to di ka manggagaling sa baba kundi sa taas. Kaya pag umakyat ka sa bundok imbes paakyat eh pababa mong tatahakin ang falls na to. Mga baging at bato lang naman ang daanan para mapuntahan to.
Sa lakas ng bagsak ng talon na to para kang naka aircon pag dating mo. Sulit na sulit sa pagod at pawis mong katawan. At pag inabutan ka ng dilim meron ditong Camp Site na pwede mong tuluyan, wala nga lang ilaw pero saktong sakto ito para mafeel mo ang buhay sa bundok. Panalo ka dito sa Bundok na to!
Location:
Siniloan, Pilipinas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment