Sa gitna ng traffic at init sa Maynila, pag ikaw dumayo sa Divisoria marami kang mapapansin... unang una na dyan ang mga mga karatulang naka-translate sa chinese. hahahahaha! nakakatuwa na kahit ano mang lugar sa Binondo may instik kang makikita (or nagpapanggap nalang dahil singkit) pero ito ang isa sa pinaka magandang puntahan ng mga taong tulad kong gala.
Presenting ESTERO! Estero po ang pangalan ng lugar kasi isa syang restaurant sa gilid ng ilog ng binondo. Along side of the Binondo church may isang kalyeng kapansin pansin dahil dito mo makikita ang mga tagong kainan na napakasarap. Lalagpasan mo muna ang Eng Bi Tin (di ako sure sa spelling) at dalawang tulay ng ilog at bago ka pa makalagpas ng ilog na yun...Ayun! makikita mo na ang pinagmamalaking ESTERO.
Panalong panalo ang Buttered Chicken nila dito na dinadayo pa ng marami, lalo na yung Frog Legs, meron din silang exotic food life Turtle soup at ang pinakafavorite nang mga taong malakas kumain na Yang Chow. Sa murang halaga mabubusog ka talaga. Ito ang perfect hang out ng mga food trippers.
Dito namin lagi ginaganap ang mga special occasion namin ng mga tropa ko sa Red Cross (Fish and Poultry Clan kung tawagin) basta kainan ang hanap Estero ang sagot dyan plus nagchuchumaynese pa ang ambiance! Panalong Panalo...
No comments:
Post a Comment