Have you ever been in one of the historical places here in Manila? Alam mo ba kung asan ang
Intramuros? Nakatapak kanaba sa Wall nun? pwet este... Pwes! kung di pa pumunta na! LRT station- Central. Makikita mo ang tahimik ngunit maraming itinatagong karanasan ang Intramuros. Para kang bumalik sa panahon dahil na rin sa di pa nitong binabagong lugar mula ng ito ang tinaguriang "Wall City" ng panahon ng mga Kastila. Dito mo rin makikita ang
DOLE (
Department of Labor), 4 na sikat na unibersidad tulad ng
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Colegio de San Juan de Letran, Mapua Institute of Technology at
Lyceum of the Philippines University at
Manila Bulletin.
Sa loob din ng Intramuros makikita ang iba't ibang klase ng mga arkitekto ng sinaunang panahon dahil narin sa batas na bawal magtayo ng kahit anong establishment dito na di sinauna ang design. Kung ang Vigan merong kalye ng mga ancestral house bakit ka pa lalayo e meron din nyan dito sa Maynila, nandito rin ang isa sa mga sikat at unang simbahang bato sa Pilipinas ang
San Agustin Church. Sa halagang P150 makakapasok ka sa
Lights and Sounds na nagpapakita ng History ng Intramuros. Andito rin ang Art Museum na
"Silahis" at ang unique na
"Sampaguita Ice Cream" ng
Ilustrado.
Yan ng lugar sa Intramuros na ibinigay pansamantala para sa mga artist ng iba't ibang school sa Maynila, puro fine arts at mga skaters ang pumupunta dito plus idagdag mo pa ang mga adik sa pictures na tulad namin. ang gagaling ng mga nagdedesign dito at every week binabago nila to.
Sa mura ng pagkain dito ang sarap ding mag food trip dito lalo na pag tumambay ka sa ibabaw ng walls.
Makikita rin dito sikat na
Manila Cathedral kung saan sabi nila pag dito ka daw kinasal eh maghihiwalay kayo. hahahaha! joke lang ng mga bitter yun.
Pagtawid mo lang sa kabilang kalye makikita mo na ang Fort Santiago, oo...dito ikinulong si Rizal bago barilin sa Luneta (Bagumbayan) at dito mo rin makikita ang mismong lugar kung saan siya namalagi. Andito kasi ang Rizal Museum, mga bakas ng paa nya at lugar kung saan siya nangtitrip nung andito pa siya sa Maynila. Panalo dito magpicture at magpahinga. May mga souvenir shop at kalesa kung gusto mo mag ala reyna sa pagikot sa lugar na to. May entrance nga lang dito sa Fort Santaigo. Pero discounted naman ang students at Senior Citizen.
Grabe ang saya ko dito sa picture na to ah... hahahahaha! Pero ito ang entrance papuntang Rizal Mmuseum. Try it... maganda dito promise.