Sunday, May 19, 2013

Mulanay, Quezon Province (Hidden Sanctuary)


Saan nga ba itong lugar na'to na halos di pinapansin ng ibang tao? Boracay? Puerto Galera? di nyo ba alam na hindi nyo na kailangan pang magbarko o sumakay ng eroplano para mapuntahan ang isa sa pinaka astig at pinakamagandang lugar dito sa Luzon. Presenting "MULANAY" aka "MulQ" short for Mulanay, Quezon. Home of crops, poultry and coconut products. Wide open space rich in sea foods, plain white beach with white sand, perfect sunset and star gazing activity at night perfect for camping activities. Yan ang probinsya ng Mom ko.


This was captured during 7am in the morning Low Tide hanggang thigh lang ang tubig kahit umabot ka pa sa gitna ng laot, perfect talaga for snorkling ang fish hunting. sa sobrang linaw ng tubig di mo na kailangan pa ng underwater camera dahil walang alon at sobrang makikita kagad ang ilalim ng dagat dito.  Still preserving the natural habitat of species with lot of corals, definitely a paradise.


Just in front of the spectacular seabed is the outstanding coconut plantation of my grandparents. Rich in coconut, bananas, mangoes and other delicious fruits in our country kahit anong hanapin mo nandito na halos lahat. I will assure you na perfect ang lugar na to para sa mahilig mag Hiking and fruit tripping. Kahit araw-araw kapang mag BUKO salad at BUKO juice isama mo pa ang lahat ng luto sa gata pwedeng pwede!


Most of the people here are fishermen, poultry and agriculturist. With simple life and perfect community this is a surely paradise for people who are stressed in city life and urban areas like us. Kindly visit this place and I will assure a 100% satisfaction for all of you guys!

Sunday, April 28, 2013

Pansol, Laguna


As we all know when we say "Pansol" ano pa bang meron dito? Edi RESSSSSSSOOOOORRTTTSSSS! Oo, literal na ganyan kahaba dahil ang buong Pansol na ata ay binubuo ng mga Resorts hahahahah! Di na ako nagtataka kung ito ang tatawaging "Resorts Capital of the Philippines" dahil kahit saan ka lumingon may hot springs and private pool for rent dito. 


 Public, Private, Hot Springs, Continues water flow, wave pool and even garden pool meron lahat nyan dito... I really think na halos lahat na ata ng tao sa area ng Manila and Region 4A eh dito pumupunta pag summer. Look at our underwater picture na umabot sa 500+ likes sa facebook hehehehehe... the "Hadouken" pose with my friend Jelo.


This is Maria Makiling Compound pag pumasok ka dito marami kang makikita ditong private pools and on the other side of the street is the famous "Laguna Hot Spring".

Don't worry kung walang dalang pagkain dahil nagkalat dito ang mga Karinderya. Pamasahe? P50 lang from Buendia Terminal makakarating kana kagad dito sa area na to. So... habang may pagkakataon GORA na sa pinaka affordable na resorts near in Manila area.

Espana Food Trip (Espana, Manila)


Pizza anyone? Adik ka ba sa Pizza? Is 12'' or 14'' not enough? How about 31 INCHES? Oo, ganun kalaki!!! With 4 different flavors. Welcome to CALDA's Pizza guys! Just in front of UST (University of Santo Tomas) good for 10-12 people per pizza is a very good deal.


With hot sauce, chilly flakes and more cheese with iced cold drinks panalong panalo tong food trip na to. 

Pero, what if budget is not enough? or craving for street foods guys? How about isaw? Or even barbeque, botchi, helmet, hotdogs, footlongs, chicken wings or even grilled tofu. Tawid na sa kabilang kalsada lang. Panalong panalo ang mga street foods na to kung saan kami tumatambay, samahan mo pa ng mainit na kanin kasama ang mga estudyante from different universities around the areas panalo ang trip na to.


 For as low as P5.00 to P30.00 busog kana malinis pa sa area na to (kasi kung hindi edi sana wala ng bumibili sa kanila ng bonggang bongga) actually minsan nga pag walang budget for celebration okay na okay na kami dito ng mga frineds ko di lang dahil may bonding kundi dahil sa masarap talaga ang pagkain dito plus yung sawsawan nila (Reminder: No double dip) hehehehehe...


Here's the picture of my friends (Red Cross) right after duty and service in our organization. Isaw plus suka with sili solve na solve... extra rice please!

Recovery Bar (BF Homes, Paranaque)


Sawa na ba sa mga bar na USUAL na sa paningin? Have you been in BF HOMES late at night? Try to go to one of the finest RestoBar at the city of Paranaque. Introducing RECOVERY BAR. A place where you can enjoy dancing, singing (with Live Bands), drinking sessions (Beer and Cocktails) and even food tripping.


For just low cost and no entrance hang out you will enjoy the lights and mellow/techno/acoustic sounds. The food were great, the service and ambiance are the best. Try mo ring i-order ang binabalikan sa kanilang Pizza and Sausage Platter plus Nachos with 3 different dips. All kinds of beer and cocktails are here.   


They also have private area for occasions and open from 6pm to as late as 2 am. Sarap tumambay dito especially for occasions and sessions ng barkada. Friday Night will be great in this place. Thanks to my friend Jon Mendoza for introducing me in his place. Gimik na guys!

Antipolo, Rizal


Walang pera pero gustong umalis at magswimming plus may extra trekking pa? Antipolo ang sagot dyan. Lugar ng Kasoy at ang sikat na Antipolo Church may isang lugar sa Antipolo na pwede mong puntahan para mapuntahan ang "Unknown" na talon. Thanks to my Red Cross family for being there in this kind of trip. Mga 30 minutes na lakad, akyat, baba at talon ang gagawin para maabot ang Falls na to.


 Simpleng lugar pero pagkasama mo ang mga frineds mo it will be a very extravagant experience for all of you, just like what I feel when I'm with my so called FAMILY. Sadly most of them are not here in the Philippines anymore. Pero sa lahat ng outing ko isa to sa mga di ko talaga makakalimutan.


Babad sa tubig, lugar para magbabad ng mainit na katawan, para maglaro at magtampisaw... maghabulan at kumuha ng pang DP (Display Picture) sa Facebook. Kwentuhan at magtawanan... kung adventurous ka this is one of the best place to go na much cheaper and hassle free pa. Antipolo is just an hour away from Manila, tamang LRT 2 lang baba ng Santolan Station and Jeep going to Antipolo lang... Boom! Andun kana! Kaya GORABELLS na!

Sunday, April 21, 2013

Water Park Resort (Kawit, Cavite)



Water Park Resort in Cavite yan ang di alam ng iba... isa to sa mga pinuntahan kong di ko makakalimutan siguro sobrang saya ko lang ng mga oras na to kaya si guro di ko makalimutan (iba talaga pag kasama mo siya/sila) grabe tong place na to kala ko nung una nawawala na kami kasi naman yung dadaanan mo di mo alam kung saan ka pupunta palibhasa nakatago. 


5 different pools with slides, river flowing pool in addition is one of the best. Yung mga kasama ko nga nakalimutan ng may lupa at halos di na umalis sa tubig. For only P250 (12 hours) sulit na sulit na. Overnight? Meron din silang available na hotel type cottage. Meron silang Concert Pool and Wave Pool.


They have play grounds, billiards, Sand Pit for Volleyball and other place na sakto sa picture-picture. Yang mga kasama kong mga Kumag? hahahahaha! wala yan mga taong dagat yang mga yan. hahahaha! Farewell party namin yan ng mga students ko. And I miss them so much.


Ah dont mind them... mga feelingerang mga students ko yan hahahahah! But as you can see at the back makikita nyo yung mga amenities ng lugar and I will assure you that you will have fun talaga... especially pag may kalandian ka sa lugar na to hahahahahaha! Joke!!!

Amana Water Park (Bulacan)


Sawang sawa na ba kayo a Laguna at Batangas pag outing? Looking for another place to refresh? Amana Water Park is the answer located at Pandi, Bulacan for only P450 entrance marerefresh kana sa ibat ibang laki at lalim ng pool plus a very good spot for your Instagram and Muzy to share in your Facebook and Twitter. And kung swertehin ka marami kang makaksabay na artista ditong dito rin nag a-outing.


Ito rin ang place para sa mga artist and anime fan na tulad ko sa dami ng life size na Marvel, Shrek, Justice League, Kingkong, Dragon Ball and even Avatar isama mo na ang Star Wars at The Avengers andito silang lahat. Panalong panalo mag pakuha ng picture at kahit pagsamantalahan mo pa silang lahat walang mag rereact sayo. hahahahaha!

Each Pool site has their own theme kaya kung ano ang peg ng character yun din ang drama ng pool.


This is their wave pool panalo at 8-10 feet wave nila feel na feel mo ang summer pag dito ka pumunta. Plus ang dami pang taong pwedeng i-side seeing... alam mo na. hahahahaha!!!

Amana Water Park guys near to you that you dont wanna miss.

Saturday, April 20, 2013

Intramuros and Fort Santiago


Have you ever been in one of the historical places here in Manila? Alam mo ba kung asan ang Intramuros? Nakatapak kanaba sa Wall nun? pwet este... Pwes! kung di pa pumunta na! LRT station- Central. Makikita mo ang tahimik ngunit maraming itinatagong karanasan ang Intramuros. Para kang bumalik sa panahon dahil na rin sa di pa nitong binabagong lugar mula ng ito ang tinaguriang "Wall City" ng panahon ng mga Kastila. Dito mo rin makikita ang DOLE (Department of Labor), 4 na sikat na unibersidad tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Colegio de San Juan de Letran, Mapua Institute of Technology at Lyceum of the Philippines University at Manila Bulletin.


Sa loob din ng Intramuros makikita ang iba't ibang klase ng mga arkitekto ng sinaunang panahon dahil narin sa batas na bawal magtayo ng kahit anong establishment dito na di sinauna ang design. Kung ang Vigan merong kalye ng mga ancestral house bakit ka pa lalayo e meron din nyan dito sa Maynila, nandito rin ang isa sa mga sikat at unang simbahang bato sa Pilipinas ang San Agustin Church. Sa halagang P150 makakapasok ka sa Lights and Sounds na nagpapakita ng History ng Intramuros. Andito rin ang Art Museum na "Silahis" at ang unique na "Sampaguita Ice Cream" ng Ilustrado.






Yan ng lugar sa Intramuros na ibinigay pansamantala para sa mga artist ng iba't ibang school sa Maynila, puro fine arts at mga skaters ang pumupunta dito plus idagdag mo pa ang mga adik sa pictures na tulad namin. ang gagaling ng mga nagdedesign dito at every week binabago nila to.

Sa mura ng pagkain dito ang sarap ding mag food trip dito lalo na pag tumambay ka sa ibabaw ng walls.
Makikita rin dito sikat na Manila Cathedral kung saan sabi nila pag dito ka daw kinasal eh maghihiwalay kayo. hahahaha! joke lang ng mga bitter yun.


Pagtawid mo lang sa kabilang kalye makikita mo na ang Fort Santiago, oo...dito ikinulong si Rizal bago barilin sa Luneta (Bagumbayan) at dito mo rin makikita ang mismong lugar kung saan siya namalagi. Andito kasi ang Rizal Museum, mga bakas ng paa nya at lugar kung saan siya nangtitrip nung andito pa siya sa Maynila. Panalo dito magpicture at magpahinga. May mga souvenir shop at kalesa kung gusto mo mag ala reyna sa pagikot sa lugar na to. May entrance nga lang dito sa Fort Santaigo. Pero discounted naman ang students at Senior Citizen. 

Grabe ang saya ko dito sa picture na to ah... hahahahaha! Pero ito ang entrance papuntang Rizal Mmuseum. Try it... maganda dito promise.

Eco Park (Fairview, Quezon City)


Di ka makaalis ng Manila Area? Pero gusto mo ng preskong lugar at tahimik? Edi isang bus lang ang katapat nyan. ECO PARK lang yan na nakatago sa gitna ng Quezon City. Dito ka makakakita ng preskong lugar para mag picnic, mag swimming at matulog ng mahimbing. Sa lakas ba naman ng hangin dito (Pero walang mayabang) ewan ko nalang kung di ka makatulog.


That's my best friend Micky and his girlfriend napagtripan ko lang picturan during our trip here. Di na nga namin alam nyan kung saan kami dadaan kasi ang daming pasikot sikot, pero ang sarap pagtripan ng mga obstacle course nila dito for camping. Kapag nainitan ka pwede kang magswimming for only P150. Panalo ang lalim nitong 8 feet. Kung gusto mo rin ng overview kung saan nanggagaling ang tubig nang Maynila makikkita mo rin dito ang "Lamesa Dam".


Yun lang ba kamo? Oopsss... but wait there's more may Boat ride din dito, Paint ball, Wall Climbing, Zip Line at minsan free entrance pa sa mga nagshu-shooting na artista kasi andaming TV Network na dito ginaganap ang mga shoot nila. Minsan masasawa ka nalang sa kanilang panoorin at lasapin nalang ang ganda ng kalikasan. I wish na sana sa next kong punta dito kasama ko na yung taong mahal ko. (Cheesy!) hahahahaha! Di ka taga-Manila kung di mo pa napupuntahan to. By the way discounted ang Quezon City Residency, Student at Senior Citizen isama mo na ang PWD. hehehehe... Happy Trip!

"Estero" (Binondo, Manila)


Sa gitna ng traffic at init sa Maynila, pag ikaw dumayo sa Divisoria marami kang mapapansin... unang una na dyan ang mga mga karatulang naka-translate sa chinese. hahahahaha! nakakatuwa na kahit ano mang lugar sa Binondo may instik kang makikita (or nagpapanggap nalang dahil singkit) pero ito ang isa sa pinaka magandang puntahan ng mga taong tulad kong gala.


Presenting ESTERO! Estero po ang pangalan ng lugar kasi isa syang restaurant sa gilid ng ilog ng binondo. Along side of the Binondo church may isang kalyeng kapansin pansin dahil dito mo makikita ang mga tagong kainan na napakasarap. Lalagpasan mo muna ang Eng Bi Tin (di ako sure sa spelling) at dalawang tulay ng ilog at bago ka pa makalagpas ng ilog na yun...Ayun! makikita mo na ang pinagmamalaking ESTERO.


Panalong panalo ang Buttered Chicken nila dito na dinadayo pa ng marami, lalo na yung Frog Legs, meron din silang exotic food life Turtle soup at ang pinakafavorite nang mga taong malakas kumain na Yang Chow. Sa murang halaga mabubusog ka talaga. Ito ang perfect hang out ng mga food trippers.


Dito namin lagi ginaganap ang mga special occasion namin ng mga tropa ko sa Red Cross (Fish and Poultry Clan kung tawagin) basta kainan ang hanap Estero ang sagot dyan plus nagchuchumaynese pa ang ambiance! Panalong Panalo...

Wednesday, April 17, 2013

Munting Buhangin (Nasugbo, Batangas)


Home of Kapeng Barako, island of beaches yan ang BATANGAS! Dito sa Nasugbo, Batangas kilalang kilala ang mga Beach nila dahil na rin sa fully developed na areas ng mga dlampasigan. Isa na dito ang Munting Buhangin na kung saan makakakita ka ng Mala-Puerto Galera ng di ka kailangan sumakay pa ng Bangka para lang makapunta sa isa na yun sa Mindoro. Sa lugar na'to makikita mo ang pinong puting buhangin at mga cottage sa ibabaw ng puno, oo... Tree house nga ang peg ng resort na ito. plus night party on the beach.


sa di kalayuan pwede mong puntahan ang tinatawag nilang "Twin Island" na kung saan pwedeng mag sleep over sa mumunting isla sa gitna ng dagat at pwede mag camping. Sa ganda ng lugar at linaw ng tubig di mo aakalaing parte parin yun ng Pilipinas. Madami daming taong pumupunta ngunit di ito na pupuno kaya di mo masasabing crowded ang islang ito pwera nalang pag nandun ka sa mismong resort. (Ang pangit namang tignan ng night party on the beach ng walang tao diba?) 


Makikita sa larawan palang na sa lapit ng Batangas sa Maynila ay may umuusbong na lugar tulad nito. Malapit din ito sa Pico de Loro at Punta Fuego na kilalang mga exclusive resort. Eh ano bang pinagkaiba nila , samantalang iisang dagat din naman ang pinuntahan mo. hehehehehe in short di mo kailangang gumastos ng malaki para lang makapunta sa gantong kagandang lugar. Panalo ka Batangas!

Mt.Siniloan / Batya-Batya Falls (Laguna)


Laguna... isa sa pinakamalapit na probinsya sa Maynila, Mountain Trekking ba ang peg nyo? Ito ang bundok na kayang kaya ng kahit sino pagod man ang katawan pero panalong panalo ang experience. Sa dami mong madadaanan at makikita di mo mapapansing pagod kana pala. Kelangan mo nga lang mag dala ng madaming tubig dahil medyo mahal ang bilihin sa mga "BuTin" o yung Bundok-Tindahan sa bawat post na madadaanan mo. dala ka narin ng power food like chocolate at source of power like Saging. Ang masaya dito lahat ng umaakyat at bumababa dito babatiin ka kahit di kayo mag kakilala. Sabi kasi nila tradisyon na daw yun dito kasi di daw nila alam kung tao pa nga ba yung nakakasalubong nila o engkanto... pero syempre paniniwala nalang yun. Masaya rin namang bumati sa mga taong nakakasalubong kasi nakakabawas din ng pagod ang mga ngiti ng mga taong nakakasalubong mo.


Batya-batya Falls isa to sa pitong falls dito sa Siniloan. Sa itsura nitong 3 batya (Palanggana) pinagpatong patong at sarap maligo at magbabad na rin sa mala yelong tubig nito, saktong sakto sa pagod mong katawan pag tapos umakyat ng bundok medyo malayo at matarik na lugar ang tatahakin pero sulit ang pag punta dito. Underwater Camera solve na solve dito!!! lahat na nang anggulo picture-an kung gusto mo. At ito ang lugar ng Siniloan na di ka makakapunta hanggang di ka nababasa dahil dadaan aka sa ilog na lagpas tao at walang tulay. Oo, WALANG TULAY in short mag si-swimming ka papaunta sa kabilang side ng bundok para lang maabot mo ang Falls na to.


Siniloan Falls ang talon na dinadayo kapag mahal na araw ng mga deboto. sa taas nitong more than 10 storey building di mo gugustuhing tumalon mula sa taas. Bago ka pa makarating dito sa talon na to di ka manggagaling sa baba kundi sa taas. Kaya pag umakyat ka sa bundok imbes paakyat eh pababa mong tatahakin ang falls na to. Mga baging at bato lang naman ang daanan para mapuntahan to.
Sa lakas ng bagsak ng talon na to para kang naka aircon pag dating mo. Sulit na sulit sa pagod at pawis mong katawan. At pag inabutan ka ng dilim meron ditong Camp Site na pwede mong tuluyan, wala nga lang ilaw pero saktong sakto ito para mafeel mo ang buhay sa bundok. Panalo ka dito sa Bundok na to!

Hundred Island (Pangasinan)


Welcome to Pangasinan ang lugar ng mga bangus hehehe. Ito ang lugar ng isa sa pinagmamalaki ng Pilipinas ang Hundred Island, the best ang lugar sobrang linaw ng tubig di mo iisipin na ayaw mong umitim dahil sa lugar na gugustuhin mong puntahan. Medyo maraming Koreano dahil na rin sa ganda ng lugar dinadayo to ng mga dayuhan. Pwede kang mag magbangka, mag-snorkeling kahit diving. Panalo din ang buhangin sa puti nito.

Island Hopping? Go Ahead sa dami ng isla dito di mo iisiping wag umalis sa isang isla. Sarap ding pumasok sa maliliit na kweba sa bawat islang nandito. Picture taking ba ang hanap mo? sus! lahat na ata ng angulo ng isla kahit ng muka mo gugustuhin mong magpapicture. Ganyan kaganda ang lugar na to. Pag ikaw yung klase ng taong gusto mo munang kalimutan ang ingay ng maynila at kalimutan pansamantala ang stress sa trabaho ito ang lugar na para sa yo. Ito ay isang paraiso para sa mga tulad nating gala. 


Ito ang "Parola" ng Pangasinan malapit sa Hundred Island. Panalo mag side seeing dito para makita ang kalawakan ng dagat. Kung gusto mo mag-emo pumunta ka na lang dito at pu-meg ka ng pictures. Pictures ba kamo? Kelangan mo atang magdala ng extrang battery para lang sa pictures mo sa dami ng album na mabubuo mo sa Facebook. Magagalit ang moderator ng Facebook sa daming Pictures ang maipo-post mo dito. Dala ka nga lang pagkain kasi medyo malalayo ang bilihan ng pagkain dito. hehehehehe... See you ulit Pangasinan!

Naic, Cavite (Munting Mapino)


Isang bayan sa Naic, Cavite na tinatawag nilang Munting Mapino ang lugar na ito. Dalawang oras mula sa Baclaran. Sa halagang P50 lang makakarating ka na dito. Tahimik na lugar sariwang hangin, mababait ang mga tao. Una akong nakapunta dito kasama ang mga kaibigan ko, napagtripan lang. Sobrang ganda ng sikat ng araw dito. Baliktad nga lang ayos ng alon. Sa umaga "High tide" sa hapon saka naman "Low tide" at dahil nasa parte ito ng Cavite marami ditong source ng mga yaman dagat. Kaya kung mahilig ka sa sea food ito ang lugar para sa'yo.


Dito ka lang din makakakita ng Halo-Halo na halagang 10 piso pero sobrang dami ng sahog yan ang tindahan ni Aling Lita. Panalo ang lasa sakto sa init ng araw pag summer. Ibang iba sa Manila na mura na ang na P15 na pagkain pero di mo na nakita ang sahog (di ko lang sure kung meron pa nga bang mas mura pa dun) pero ito na ang isa sa pinaka masaya kong summer kasama ang mga bago kong kaibigan.