Sunday, May 19, 2013

Mulanay, Quezon Province (Hidden Sanctuary)


Saan nga ba itong lugar na'to na halos di pinapansin ng ibang tao? Boracay? Puerto Galera? di nyo ba alam na hindi nyo na kailangan pang magbarko o sumakay ng eroplano para mapuntahan ang isa sa pinaka astig at pinakamagandang lugar dito sa Luzon. Presenting "MULANAY" aka "MulQ" short for Mulanay, Quezon. Home of crops, poultry and coconut products. Wide open space rich in sea foods, plain white beach with white sand, perfect sunset and star gazing activity at night perfect for camping activities. Yan ang probinsya ng Mom ko.


This was captured during 7am in the morning Low Tide hanggang thigh lang ang tubig kahit umabot ka pa sa gitna ng laot, perfect talaga for snorkling ang fish hunting. sa sobrang linaw ng tubig di mo na kailangan pa ng underwater camera dahil walang alon at sobrang makikita kagad ang ilalim ng dagat dito.  Still preserving the natural habitat of species with lot of corals, definitely a paradise.


Just in front of the spectacular seabed is the outstanding coconut plantation of my grandparents. Rich in coconut, bananas, mangoes and other delicious fruits in our country kahit anong hanapin mo nandito na halos lahat. I will assure you na perfect ang lugar na to para sa mahilig mag Hiking and fruit tripping. Kahit araw-araw kapang mag BUKO salad at BUKO juice isama mo pa ang lahat ng luto sa gata pwedeng pwede!


Most of the people here are fishermen, poultry and agriculturist. With simple life and perfect community this is a surely paradise for people who are stressed in city life and urban areas like us. Kindly visit this place and I will assure a 100% satisfaction for all of you guys!

Sunday, April 28, 2013

Pansol, Laguna


As we all know when we say "Pansol" ano pa bang meron dito? Edi RESSSSSSSOOOOORRTTTSSSS! Oo, literal na ganyan kahaba dahil ang buong Pansol na ata ay binubuo ng mga Resorts hahahahah! Di na ako nagtataka kung ito ang tatawaging "Resorts Capital of the Philippines" dahil kahit saan ka lumingon may hot springs and private pool for rent dito. 


 Public, Private, Hot Springs, Continues water flow, wave pool and even garden pool meron lahat nyan dito... I really think na halos lahat na ata ng tao sa area ng Manila and Region 4A eh dito pumupunta pag summer. Look at our underwater picture na umabot sa 500+ likes sa facebook hehehehehe... the "Hadouken" pose with my friend Jelo.


This is Maria Makiling Compound pag pumasok ka dito marami kang makikita ditong private pools and on the other side of the street is the famous "Laguna Hot Spring".

Don't worry kung walang dalang pagkain dahil nagkalat dito ang mga Karinderya. Pamasahe? P50 lang from Buendia Terminal makakarating kana kagad dito sa area na to. So... habang may pagkakataon GORA na sa pinaka affordable na resorts near in Manila area.

Espana Food Trip (Espana, Manila)


Pizza anyone? Adik ka ba sa Pizza? Is 12'' or 14'' not enough? How about 31 INCHES? Oo, ganun kalaki!!! With 4 different flavors. Welcome to CALDA's Pizza guys! Just in front of UST (University of Santo Tomas) good for 10-12 people per pizza is a very good deal.


With hot sauce, chilly flakes and more cheese with iced cold drinks panalong panalo tong food trip na to. 

Pero, what if budget is not enough? or craving for street foods guys? How about isaw? Or even barbeque, botchi, helmet, hotdogs, footlongs, chicken wings or even grilled tofu. Tawid na sa kabilang kalsada lang. Panalong panalo ang mga street foods na to kung saan kami tumatambay, samahan mo pa ng mainit na kanin kasama ang mga estudyante from different universities around the areas panalo ang trip na to.


 For as low as P5.00 to P30.00 busog kana malinis pa sa area na to (kasi kung hindi edi sana wala ng bumibili sa kanila ng bonggang bongga) actually minsan nga pag walang budget for celebration okay na okay na kami dito ng mga frineds ko di lang dahil may bonding kundi dahil sa masarap talaga ang pagkain dito plus yung sawsawan nila (Reminder: No double dip) hehehehehe...


Here's the picture of my friends (Red Cross) right after duty and service in our organization. Isaw plus suka with sili solve na solve... extra rice please!

Recovery Bar (BF Homes, Paranaque)


Sawa na ba sa mga bar na USUAL na sa paningin? Have you been in BF HOMES late at night? Try to go to one of the finest RestoBar at the city of Paranaque. Introducing RECOVERY BAR. A place where you can enjoy dancing, singing (with Live Bands), drinking sessions (Beer and Cocktails) and even food tripping.


For just low cost and no entrance hang out you will enjoy the lights and mellow/techno/acoustic sounds. The food were great, the service and ambiance are the best. Try mo ring i-order ang binabalikan sa kanilang Pizza and Sausage Platter plus Nachos with 3 different dips. All kinds of beer and cocktails are here.   


They also have private area for occasions and open from 6pm to as late as 2 am. Sarap tumambay dito especially for occasions and sessions ng barkada. Friday Night will be great in this place. Thanks to my friend Jon Mendoza for introducing me in his place. Gimik na guys!

Antipolo, Rizal


Walang pera pero gustong umalis at magswimming plus may extra trekking pa? Antipolo ang sagot dyan. Lugar ng Kasoy at ang sikat na Antipolo Church may isang lugar sa Antipolo na pwede mong puntahan para mapuntahan ang "Unknown" na talon. Thanks to my Red Cross family for being there in this kind of trip. Mga 30 minutes na lakad, akyat, baba at talon ang gagawin para maabot ang Falls na to.


 Simpleng lugar pero pagkasama mo ang mga frineds mo it will be a very extravagant experience for all of you, just like what I feel when I'm with my so called FAMILY. Sadly most of them are not here in the Philippines anymore. Pero sa lahat ng outing ko isa to sa mga di ko talaga makakalimutan.


Babad sa tubig, lugar para magbabad ng mainit na katawan, para maglaro at magtampisaw... maghabulan at kumuha ng pang DP (Display Picture) sa Facebook. Kwentuhan at magtawanan... kung adventurous ka this is one of the best place to go na much cheaper and hassle free pa. Antipolo is just an hour away from Manila, tamang LRT 2 lang baba ng Santolan Station and Jeep going to Antipolo lang... Boom! Andun kana! Kaya GORABELLS na!

Sunday, April 21, 2013

Water Park Resort (Kawit, Cavite)



Water Park Resort in Cavite yan ang di alam ng iba... isa to sa mga pinuntahan kong di ko makakalimutan siguro sobrang saya ko lang ng mga oras na to kaya si guro di ko makalimutan (iba talaga pag kasama mo siya/sila) grabe tong place na to kala ko nung una nawawala na kami kasi naman yung dadaanan mo di mo alam kung saan ka pupunta palibhasa nakatago. 


5 different pools with slides, river flowing pool in addition is one of the best. Yung mga kasama ko nga nakalimutan ng may lupa at halos di na umalis sa tubig. For only P250 (12 hours) sulit na sulit na. Overnight? Meron din silang available na hotel type cottage. Meron silang Concert Pool and Wave Pool.


They have play grounds, billiards, Sand Pit for Volleyball and other place na sakto sa picture-picture. Yang mga kasama kong mga Kumag? hahahahaha! wala yan mga taong dagat yang mga yan. hahahaha! Farewell party namin yan ng mga students ko. And I miss them so much.


Ah dont mind them... mga feelingerang mga students ko yan hahahahah! But as you can see at the back makikita nyo yung mga amenities ng lugar and I will assure you that you will have fun talaga... especially pag may kalandian ka sa lugar na to hahahahahaha! Joke!!!

Amana Water Park (Bulacan)


Sawang sawa na ba kayo a Laguna at Batangas pag outing? Looking for another place to refresh? Amana Water Park is the answer located at Pandi, Bulacan for only P450 entrance marerefresh kana sa ibat ibang laki at lalim ng pool plus a very good spot for your Instagram and Muzy to share in your Facebook and Twitter. And kung swertehin ka marami kang makaksabay na artista ditong dito rin nag a-outing.


Ito rin ang place para sa mga artist and anime fan na tulad ko sa dami ng life size na Marvel, Shrek, Justice League, Kingkong, Dragon Ball and even Avatar isama mo na ang Star Wars at The Avengers andito silang lahat. Panalong panalo mag pakuha ng picture at kahit pagsamantalahan mo pa silang lahat walang mag rereact sayo. hahahahaha!

Each Pool site has their own theme kaya kung ano ang peg ng character yun din ang drama ng pool.


This is their wave pool panalo at 8-10 feet wave nila feel na feel mo ang summer pag dito ka pumunta. Plus ang dami pang taong pwedeng i-side seeing... alam mo na. hahahahaha!!!

Amana Water Park guys near to you that you dont wanna miss.